Sumuko sa Sandiganbayan 4th Division ang dating alkalde ng Iriga City na si Madelaine Arlene Alfelor kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa umano’y maling paggamit ng P397 milyon na pondo para sa Special Amelioration Program (SAP) noong COVID-19 pandemic.

Nahaharap si Alfelor sa mga kasong malversation at graft.

Nag-ugat ang mga kaso sa umano’y pamamahagi ng financial assistance mula sa SAP sa mga benepisyaryong hindi kuwalipikadong makatanggap ng ayuda.

Matapos sumuko, dinala si Alfelor sa kustodiya at kasalukuyang nakakulong sa New Quezon City Female Dormitory sa Quezon City.

Noong Agosto naglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Alfelor.

-- ADVERTISEMENT --

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang mga kaso.