Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Immigration (BI) na agad na ayusin ang pagbabalik sa bansa ni dating police colonel Royina Garma mula sa US.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kaniyang nakausap si Immigration Commissioner Joel Viado para pangasiwaan ang nasabing pagpapabalik kay Garma.
Umaasa si Remulla ang mahigpit na kooperasyon ni Garma sa mga isinasagawa nilang imbestigasyon.
Magugunitang nitong Nobyembre 7 ay naaresto si Garma kasama ang anak nitong si Angelica sa San Francisco, California.
Nakalaya si Garma sa House of Representatives matapos bawiin ng Quad commitee ang kaniyang contempt order.
Si Garma ang nagsiwalat sa pagdinig ng Kamara na nagbigay ng cash rewards si dating pangulong Rodrigo Duterte sa bawat drug suspects na napapatay sa madugong war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.