
Inihayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na hindi na kailangan ang geographical coordinates para tukuyin ang exclusive economic zone ng bansa.
Ayon sa kanya, nakapaloob na sa international law ang EEZ limits.
Tugon ito ni Carpio sa mga pahayag ni Senator Rodante Marcoleta na walang coordinates ang West Philippine Sea (WPS) kaya wala ito sa loob ng EEZ ng bansa.
Sinabi ni Carpio, kailangan lamang ang archipelagic baselines para sukatin ang 200 nautical miles ng EEZ.
Ayon sa kanya, mula sa baselines, sa pamamagitan ng satellite GPS, malalaman kung saan ang dulo ng 200 nautical miles ng bansa.
Idinagdag pa niya na hindi kailangan sa international law ang coordinates.
Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Seas (UNCLOS), kung may caostline ang isang bansa, ito ay nasa isla na may baybayin na nasa continental shelf.
Idinagdag pa ni Carpio na bukod sa UNCLOS, ang saklaw ng Philippine EEZ, na kinabibilangan ng Kalayaan Islan Group, ay nakapaloob sa Philippine Maritime Zones Act na ipinasa noong 2025, nang miyembro pa ng Kamara si Marcoleta.
Iginiit niya na ang Maritime Zones Act ang tumutukoy sa West Philippine Sea, na isa sa ating maritime zones.
Kabilang sa Maritime zones ang territorial sea na 12 nautical miles mula sa coastline, ang EEZ at extended continental shelf.
Ayon sa kanya, nakasaad sa batas na ang WPS ay tumutukoy sa ating maritime zones sa WPS, kabilang ang maritime zones sa ating mga isla.










