
Tatlong dating mahistrado ng Supreme Court ang magsisilbing amici curiae o mga eksperto na tutulong sa Senate impeachment court sa pagtalakay sa 16-vote threshold para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Kabilang dito sina retired Chief Justice Artemio Panganiban at Reynato Puno, at retired Associate Justice Adolf Azcuna.
Samantala, maghahain naman ng legal memorandum si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa halip na personal na humarap sa impeachment court.
Nakatakdang ilahad ng tatlong dating mahistrado ang kanilang mga pananaw sa Setyembre 16.
Ayon sa impeachment court, layunin ng pagkuha sa mga eksperto na magkaroon ng malinaw na batayan sa usapin ng bilang ng mga boto na kailangan para sa conviction o acquittal ni Duterte.
Sinabi rin ng korte na maaari pa itong mag-imbita ng karagdagang eksperto kung kinakailangan.










