Nagbabala si dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III laban sa paghaharap ng mga hostile witness sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte, kasabay ng inaasahang pagtestigo ng Office of the Vice President Chief of Staff Zuleika Lopez.

Ayon kay Pimentel, dapat maging maingat ang prosecution sa ganitong hakbang dahil posibleng wala rin silang makuhang mahalagang impormasyon mula sa testigo. Aniya, maaaring itanggi lamang ni Lopez na narinig niya ang mga pahayag ng Bise Presidente na nais patunayan ng prosekusyon.

Dagdag pa ni Pimentel, hindi rin dapat maging labis na teknikal ang impeachment trial at inaasahan niyang bibilis pa ang pagdinig sa mga susunod na araw habang mas nasasanay na ang impeachment court, prosecution, at defense panel sa proseso.