
Naniniwala si dating Senator Franklin Drilon na ang impeachment ay hindi lamang isang judicial process kundi isa ring political process.
Ayon sa kanya, hindi kapani-paniwalang sabihing walang magiging papel ang Pangulo sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, sa kabila ng prinsipyo ng separation of powers.
Bagama’t iginiit ng Malacañang na hindi makikialam ang Pangulo at hahayaan ang proseso at rule of law, sinabi ni Drilon na likas na may pulitikal na dimensyon ang impeachment.
Dagdag pa niya, ang mga kasalukuyang reklamong impeachment ay malinaw na prelude sa 2028 presidential election, ngunit umaasa siyang pagbabatayan ng mga senador ang ebidensiya at hindi ang political interest.










