Hindi pa nakalalabas ng bansa si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ito ang nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng paghiling ni Romualdez na makalabas ng bansa para ipagpatuloy ang pagpapagamot sa Singapore.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, wala pang naitalang travel record si Romualdez hanggang ngayong Miyerkules.

Si Romualdez ay nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) dahil sa pagkakadawit sa flood control anomaly.

Una nang iginiit ng kampo ng kongresista na hindi ito pinagbabawalang makalabas ng Pilipinas dahil lamang sa ILBO.

-- ADVERTISEMENT --