Sinuportahan ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala ng Department of Transportation (DOTr) na palawakin ang paggamit ng electronic immigration gates o e-gates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mapabilis ang proseso ng pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa bansa.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, makatutulong ito upang mabawasan ang pila, mapabilis ang immigration processing at mapalakas ang seguridad sa mga paliparan.

Sa ilalim ng panukala, maaaring gumamit ng e-gates ang lahat ng dumarating at umaalis na pasahero, habang ang mga mamarkahan ng sistema o nangangailangan ng karagdagang pagsusuri lamang ang sasailalim sa personal na panayam ng immigration officers.

Sa kasalukuyan, limitado pa ang paggamit ng e-gates sa mga partikular na kategorya ng pasahero.

Tiniyak naman ng BI na kaakibat ng pagpapalawak nito ang mas mahigpit na biometric verification upang matukoy ang paggamit ng pekeng dokumento, multiple passports at iba pang posibleng paglabag.

-- ADVERTISEMENT --