Opisyal nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbawas sa taripa sa bigas at iba pang piling mga produkto sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 62.

Nilagdaan ng pangulo ang EO kahapon.

Nangangahulugan ito na ang taripa sa bigas ay 15 percent na lamang mula sa 35 percent.

Sinabi ng pangulo sa EO na ang update na komprehensibong taripa ay may layunin na madagdagan ang suplay, mapamahalaan ang presyo, at mapigilan ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Ayon sa kanya, ito ay para sa interes ng ating bansa at ang layunin na mabantayan ang purchasing power ng mga mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit sa ilalim ng EO 62, pinanatili ng pamahalaan ang taripa para sa mais, karne ng baboy, deboned meats, asukal, mga gulay tulad ng sibyas, bawang, brocolli, carrots, repolyo, at lettuce at iba pa.