
Hindi magpapadala sa ingay politika si Executive Secretary Ralph Recto kaugnay ng isinampang kasong kriminal laban sa kanya ng isang grupo ng mga doktor at abogado sa isyu ng inilipat na pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) noong siya pa ang kalihim ng Department of Finance (DOF).
Binigyang-diin ni Recto na patuloy siyang susunod sa batas at igagalang ang due process at ituloy lamang ang trabaho upang maingat ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Sinabi niya na iginagalang niya ang karapatan ng bawat indibidwal na gamitin ang legal na remedyo sa nabanggit na usapin.
Pero sinabi ni Recto na nalutas na ng Korte Suprema ang kuwestiyon sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth at sumunod na ang gobyerno sa kautusan nito.
Iginiit ni Recto na inosente ito batay na rin sa opinyon ng Korte Suprema, at walang pananagutan kriminal bilang dating kalihim ng DOF dahil umaksiyon ito ng may malinis na intensiyon nang ilipat ang hindi nagagamit na pondo ng PhilHealth.









