Pumalo nang 55°C ang heat index sa Guiuan, Eastern Samar nitong Martes, Mayo 28.

Una nang natala ang parehong init sa naturang lugar noong Linggo.

Ito na ang ikatlong sunod na araw na nasa extremely dangerous level (52°C o higit pa) ang naramdamang init sa Guiuan.

Samantala, naitala naman ang 43°C na heat index sa Aparri, Cagayan habang 42°C naman sa Tuguegarao City, Cagayan.