
Sinabi ng Department of Information and Communications Technology o DICT na “last resort” lamang ang posibleng pagharang sa Facebook sa Pilipinas amid concerns sa harmful content at online abuse.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, uubusin muna ng pamahalaan ang iba pang paraan upang mapilit ang Meta, kumpanyang may-ari ng Facebook, na sumunod sa mga hakbang para sa proteksyon ng mga Filipino, lalo na ng mga bata.
Kabilang sa pangunahing concern ng DICT ang identity verification upang matukoy ang gumagamit ng fake accounts at trolls, gayundin ang mabagal na pagtanggal ng harmful content. Binanggit din ni Aguda ang kawalan ng Meta office sa Pilipinas.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na bukas ito sa panukalang alisin ang social media platforms sa bansa kung mapatutunayang nakadaragdag ang mga ito sa karahasan o iba pang harmful effects.










