
Ipinag-utos ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tanggapan ng Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang pagpapatupad ng taas-pasahe sa buong bansa sa kabila ng pagtaas sa presyo ng langis.
Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na magbibigay ng subsidiya ang pamahalaan sa mga apektadong sektor tulad ng transport sector.
Nakatakda sanang ipatutupad ang fare hike sa buong bansa bukas, Huwebes, Marso-19.










