
Ipionag-utos na ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pagre-release ng P21.47-B na pondo.
Ito ay para sa mga nakatakdang pamamahagi ng fuel subsidies, at pati na rin sa pagpapatuloy ng mga infrastructure projects.
Sabi ng DBM, sa naturang halaga, P2.49-B ang nakalaan para sa Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation (DOTr).
Ang natitirang P18.65-B naman ay para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapanatili ng mga infra projects para masiguro umanong hindi maaantala ang economic activity.
Samantala, mayroon ding P324.36-M na nakalaan para sa pagse-settle ng mga naunang bayarin sa mga foreign-assisted projects para matiyak na maaabot pa rin ang target completion nito.










