TUGUEGARAO CITY-Pinayuhan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region-2 ang mga farmer beneficiaries na gawing produktibo ang kanilang natatanggap na certificate Certificate of Land Ownership Award (CLOA)at huwag ibenta.

Pahayag ito ni Regional Director Luis Bueno Jr. ng DAR-Region 2, kasunod ng mga namomonitor na may mga magsasakang ibinebenta ang kanilang CLOA.

Ayon kay Bueno, hindi dumadami ang lupa kung kaya’t nararapat lamang na pangalagaan at gawing produktibo hanggang maipamana sa mga anak .

Aniya, may mga magsasaka umanong ibinebenta ang kanilang CLOa kung saan ang nakikitang dahilan ay ang pagnanais na yumaman o makabili ng bagong gamit.

Paliwanag ni Bueno, bagamat nakapaloob sa republic act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law,na maaring ibenta ang mga ito ay hindi umano ibig sabihin na hindi na dapat sundin ang iba pang nakasaad.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Bueno nahindi pinpayagan ng ahensiya ang transakyon dahil maari itong makasira sa nasabing programa at maaring matanggal ang magsasaka sa listahan ng ahensiya bilang benepisaryo.