Nanawagan ang iba’t ibang grupo ng mga magsasaka para sa agarang pagbibitiw ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan matapos na aprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang mas mababang taripa ng imported rice mula 35 percent sa 15 percent sa hangarin na mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Sinabi ni dating agriculture secretary Leonardo Montemayor na personal na magpapadala ng sulat ang mga grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tanggalin sa kanyang puwesto si Balisacan.
Iginiit din niya na patuloy silang magsasagawa ng iba’t ibang protesta at signature campaigns.
Kinontra ni Montemayor ang pahayag ni Balisacan na bababa ang presyo ng bigas sa mas mababang taripa ng imported rice.
idinagdag pa ni Montemayor na dapat na dapat na palitan na ng NEDA ang pangalan nito sa ‘national importation and dreamland authority’ o ‘NIDA.’
Sinabi ni Montemayor na ang ang sinasabing P29 kada kilo ng bigas sa merkado ay isang imahinasyon ni Balisacan.