Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang Pilipinong caregiver ang nasawi sa Israel matapos ang airstrike ng Iran — ang unang naiulat na nasawi sa kasalukuyang krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Marcos, ang nasawi ay si Mary Anne Velasquez de Vera, na tubong Pangasinan. Kinilala siya ng kanyang asawa, na isa ring OFW na nagtatrabaho sa Israel.

Namatay si De Vera matapos tamaan ng shrapnel mula sa mga bumagsak na bomba, habang tinutulungan ang kanyang inaalagaan na makapunta sa bomb shelter.