Si Jessica Sanchez ang winner sa “America’s Got Talent” Season 20.
Sa finals night, inawit ng buntis na Filipina singer ang kanyang bersiyon ng “Golden Hour” ni JVKE, kasama ang performance mula sa aerial dancers Sirca Marea.
Bumalik si Jessica sa talent show noong Hulyo, kung saan kinanta niya ang “Beautiful Things” ni Benson Boone at nakakuha ng golden buzzer mula kay Sofia Vergara.
Unang nakisali si Jessica sa “America’s Got Talent” sa edad na 10 at nakarating siya sa semi-finals.
Sumikat siya matapos na maging runner-up sa “American Idol” Season 11.
-- ADVERTISEMENT --
Kamakailan lang ay inilabas ni Jessica ang kanyang single na “Two Lines” na tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Tinalo ni Jessica si Christopher Turner na isang British at American comedian.