Tiniyak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi masasayang ang mga findings ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects, sa kabila ng pagbabago ng liderato sa Senado.

Ayon kay Lacson, nakatulong na ang komite sa mga paunang imbestigasyon ng Department of Justice o DOJ at Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng mga testimonial at documentary evidence.

Sinabi rin niya na inihahanda na ng komite ang transmittal letter para sa Ombudsman upang maipasa ang mahahalagang resulta ng imbestigasyon.

Dagdag pa ni Lacson, pitong senador na ang pumirma sa partial committee report, kabilang siya, sina Senators Vicente “Tito” Sotto III, Bam Aquino, Raffy Tulfo, Risa Hontiveros, Erwin Tulfo, at Francis “Kiko” Pangilinan.

Kailangan pa ng karagdagang pirma upang ma-sponsor at maiharap sa plenaryo ang ulat.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang binigyang babala ni Lacson na maaaring mapunta lamang sa archives ang ulat kung hindi ito matatapos at maipapasa bago ang sine die adjournment ng 20th Congress sa Hunyo 5, 2026.