Hindi sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa findings ng komite ni Senadora Imee Marcos kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pag surrender sa kanya sa International Criminal Court.
Sa ambush interview sa Silang, Cavite, sinabi ni Pangulong Marcos na lahat naman ay may kanya-kanyang opinyon sa isyu.
Batay sa paunang report ng Senate Committee on Foreign Relations, iginiit ni Senator Imee na may motibong pulitikal sa pag-aresto kay Duterte.
Inirekomenda rin ng komite ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban sa ilang opisyal ng pamahalaan, kabilang sina DOJ Secretary Boying Remulla, DILG Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief General Rommel Marbil, PNP-CIDG Chief General Nicolas Torre, at special envoy Markus Lacanilao.