Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga establisimyento na sangkot sa pagmamanupaktura, pamamahagi, at pagbebenta ng pyrotechnics na mahigpit na sumunod sa occupational safety and health standards (OSH) upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa gitna ng Kapaskuhan.

Sa isang abiso, inatasan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang lahat ng DOLE regional directors na makipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at local government units (LGUs) para subaybayan ang pagsunod ng mga establisimyento sa OSH.

Inatasan umano ni Laguesma ang mga regional director na magsumite ng listahan ng mga establisimyento sa ilalim ng kanilang monitoring hanggang Enero 10, 2025.