Ipinahayag ng Malacañang na handang sumailalim sa lifestyle check ang First Family sa gitna ng mga isyu ng katiwalian at alokasyon ng pondo sa pamahalaan.

Ayon sa Office of the Press Secretary, nabatid ng Pangulo ang ulat hinggil sa umano’y malaking bahagi ng “allocable” infrastructure funds ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na napunta sa Ilocos Norte mula 2023 hanggang 2025.

Kabilang dito ang tinatayang P15.8 bilyon na naiuugnay sa distrito ni Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Ipinabatid ng Palasyo na nakahanda si Sandro Marcos na harapin ang anumang imbestigasyon kaugnay ng isyu, at handang magtungo sa mga kinauukulang ahensya sa oras na maipatawag.

Dagdag ng Malacañang, bukas ang First Family, kabilang ang Pangulo sa lifestyle check upang maipakita ang pagiging handa ng mga opisyal ng Executive branch na magsailalim sa pagsusuri kung kinakailangan.

-- ADVERTISEMENT --