Sinabi ni First Lady Liza Marcos na ipinatutupad ang tinawag niyang “Ilocano effect” sa paghahanda ng Pilipinas para sa ASEAN Summit 2026, na tumutukoy sa mas maingat at matipid na paghawak ng pondo.

Ito ay kasunod ng direktiba ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang ilang aktibidad at tutukan lamang ang mahahalagang bahagi ng hosting, ayon kay Ralph Recto.

Ayon sa pamahalaan, aabot sa 650 preparatory meetings ang isasagawa online sa halip na face-to-face upang makatipid sa gastos, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Inatasan din ang Department of Foreign Affairs na magsagawa ng mga diplomatic briefing upang maipabatid ang mga pagbabagong ito sa mga kasaping bansa.