(refresh this page for updates)

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi at halaga ng nangyaring sunog sa Barangay Atulayan Sur, Tuguegarao City.

Nagsimula ang sunog sa 2nd floor ng bahay na pagmamay-ari ni Julius Ceasar Sychanco sa Tuliao St., bandang alas 12:45 ng tanghali.

Agad umanong napansin ng pamilya ang apoy kaya nakalabas agad sila habang nasusunog ang kanilang bahay.

Bahagya namang nasunog ang kisame ng naka-firewall na katabing bahay nito na pagmamay-ari ni Norma Tumaliuan at sa isa pang bahay.

-- ADVERTISEMENT --