Nagdulot ng flash flood ang isang severe storm sa estado ng Victoria, Australia nitong Huwebes, na nagresulta sa pagsasara ng sikat na Great Ocean Road, pagkatangay ng mga sasakyan papuntang dagat, at pagkawala ng kuryente sa libo-libong kabahayan.

Ayon sa mga awtoridad, naglabas sila ng mga emergency warning para sa mga bayan sa kahabaan ng Great Ocean Road, isang tanyag na destinasyong panturista na kilala sa magagandang tanawin sa baybayin.

Batay sa ulat, ilang sasakyan ang tinangay ng baha papuntang dagat, habang tinatayang 6,500 kabahayan ang nawalan ng kuryente.

Kinumpirma ng State Emergency Service na may mga rescue operation na isinagawa matapos ma-trap ang ilang tao sa kanilang mga sasakyan, partikular sa mga caravan park na nilubog ng baha.

Iniulat din ng weather bureau na umabot sa 166 millimeters ng ulan ang naitala mula alas-9 ng umaga sa lugar ng Mount Cowley.

-- ADVERTISEMENT --