Tuguegarao City- Patuloy na naghahanda ang Commission on Higher Education (CHED) Region 2 para sa “flexible learning program” na maaaring ipatupad sa pagbubukas ng pasukan ng mga Colleges and Universities sa Rehiyon.
Sa panayam kay Juliet Paras, Regional Director, kaugnay ng pagsasaayos ng learning management system ay nagsasagawa sila ng survey upang malaman ang kapasidad ng mga faculty members at mga estudyante.
Aniya, bahagi ng naging turn out ng mga naunag survey ay ang problema sa mahinang internet connectivity at kawalan ng access sa internet sa ilang mga lugar ang mga inireklamo.
Dahil dito ay patuloy na binabalangkas ng naturang ahensya ang mga hakbang upang maiayos ang pag-papaabot ng serbisyo sa mga mag-aaral.
Sa ngayon ay tinututukan aniya ng CHED Region 2 ang pagdevelop ng digital and nondigital mode of learning.
Paliwanag ni Paras, ang mga mag-aaral na may kakayahang maka-access sa internet ay maaaring gumamit ng “digital learning strategy” at ang mga may-internet ngunit mahina ang access ay maaaring pagsamahin ang “digital at learning modules” habang ang mga walang kakayahan ay sa pamamagitan ng mga learning module na ibibigay ng mga unibersidad.
Giit pa nito naghahanda na rin ang mga faculty members para sa makabagong paraan ng pagtuturo gamit ang mga makabagong teknolohiya.
Ginagawa ng naturang ahensya ang paghahanda kaugnay pa rin sa nalalapit na pagbubukas ng SY2020-21 ngayong buwan ng Agosto.