Mariing inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na ang isyu ng maanomalyang flood control projects ay pagkakataon rin para sa pagkakaroon o pagsusulong ng reporma sa pamahalaan.

Sa pagharap kasi nito sa 7th Global Conference on Sustainable Development Goal 16 sa United Nations Headquarters, New York, kanyang inamin at ibinahagi ang isyung kinakaharap ng bansa ukol sa korapsyon.

Subalit iginiit niyang sa kabila ng mga hamon, nakikita pa rin ni Ombudsman Remulla ang mga oportunidad na maaring gawin ng gobyerno.

Ang layunin raw ay hindi lamang ang pagpapanagot sa lahat ng mga sangkot o tiwaling opisyal kundi ang maitulaik pati ang reporma makapagpapalakas sa mga institusyon ng bansa.

Kung kaya’t panawagan niya’y pagtuunan ng pansin ang mga konkretong aksyon para maitaguyod ang integridad at mapgtibay ang tiwala ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ni Ombudsman Boying Remulla na ang paglaban sa korapsyon ay hindi dapat nakasentro lamang sa pananagutan, bagkus aniya’y pagbuo at pagpapalakas sa mekanismo ng pamahalaan.

Binigyang diin niya na ang gawain kontra katiwalian ay hindi nasusukat sa dami ng kasong naisasampa kundi gobyernong epektibo para mamamayan.

Habang ibinahagi naman ni Ombudsman Remulla na bago ang pagbyahe sa Estados Unidos, sumulat aniya siya kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Hiniling raw niya sa punong mahistrado na maisama ang Office of the Ombudsman sa Justice Sector Coordinating Council sapagkat naniniwalang ang justice system ay dapat mayroon matibay na koordinasyon sa mga institusyon ng pahalaan.