
Mananatiling nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa ideklara siyang hindi fit o hindi kayang humarap sa paglilitis, ayon sa isang abogado.
Inatasan ng ICC Pre-Trial Chamber ang isang medikal na pagsusuri upang matukoy ang kalagayang medikal ni Duterte at kung kaya pa niyang makibahagi sa mga pre-trial proceedings, kabilang na ang pagdinig sa kumpirmasyon ng mga kaso laban sa kanya. Isang forensic psychiatrist, neuropsychologist, at geriatric neurologist ang bahagi ng panel na magsusuri sa kanya. Inaasahang matatapos ang ulat ng panel sa Oktubre 31, 2025.
Kung mapatunayang hindi siya fit sa paglilitis, pansamantalang ititigil ang kaso subalit hindi ito ibabasura. Mananatili siyang nakakulong sa ICC, at susuriin muli ang kanyang kalagayan tuwing apat na buwan.
Kasabay nito, tinanggihan ng ICC ang kahilingan ng kampo ni Duterte na pansamantalang palayain siya habang hinihintay ang susunod na pagdinig.