Mananatiling nakakulong sa International Criminal Court o ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos pagkaisahan ng Trial Chamber III na ipagpatuloy ang kanyang detention.

Sa desisyong inilabas matapos ang ikatlong status conference, sinabi ng Chamber na may posibilidad na tumakas si Duterte o makialam at makasagabal sa imbestigasyon at proceedings ng korte.

Ayon sa ICC, tumataas din ang posibilidad na maimpluwensiyahan ang mga testigo matapos ilabas ng prosecution ang kanilang mga pangalan at nilalaman ng inaasahang testimonya.

Maaari umano itong gawin nang direkta o sa pamamagitan ng kanyang pamilya o mga tagasuporta sa Pilipinas.

Samantala, hindi pa naglalabas ng desisyon ang Chamber kung fit si Duterte para sa paglilitis.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi rin ng korte na walang naipakitang bagong impormasyon ang defense na sapat para baguhin ang naunang desisyon sa kanyang pagkakakulong.