
Nilinaw ng Malacañang na hindi kabilang sa kasalukuyang pinag-uusapan ng administrasyon ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga pribadong motorista o mga kabilang sa middle-income class.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, patuloy pang pinag-aaralan ng pamahalaan ang iba’t ibang programa para matulungan ang mga Pilipinong apektado ng mataas na presyo ng langis at pangunahing bilihin, bunsod ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East.
Kabilang sa mga unang panukalang ayuda para sa middle-income Filipinos ang income tax exemption. Gayunman, hindi umano kasama rito ang fuel subsidy para sa mga pribadong motorista.
Sa ngayon, ₱12 kada litro ang fuel subsidy na ipinagkakaloob sa mga driver ng jeep at UV Express bilang tulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.









