
Inaasahang maipapamahagi na ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda ngayong buwan.
Ang naturang subsidiya ay bilang tulong sa tumataas na presyo ng petrolyo dahil pa rin sa gulo sa Middle East.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, posibleng mailabas na sa loob ng 2 linggo ang subsidy para sa sektor.
Hiling din daw ni Pangulong Bongbong Marcos na maipamahagi na agad ito.
Samantala, sinabi rin ng ahensya na may nakikita itong pagtaas ng presyo ng ilang agricultural products gaya ng galunggong, at karneng baboy na maaaring madagdagan ng P30.
-- ADVERTISEMENT --









