Nagpahayag ng pagdududa si Senador Win Gatchalian hinggil sa pagiging totoo ng isang dokumento na kumakalat na umano’y naglalaman ng mga “blank items” sa inaprubahang 2025 National Budget, na sinabing hindi mula sa Senado.
Ayon kay Gatchalian, unang nakita niya ang dokumento sa mga ulat ng media at wala siyang kaalaman ukol dito bago pa lumabas.
Bagamat hindi niya tinukoy kung totoo o hindi ang dokumento, iginiit niya na hindi siya, pati na rin ang kanyang mga kasamahan sa Senado, ang naglagda rito.
Kamakailan, tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na handa ang Senado na sundin ang anumang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa petisyon na naglalaman ng hamon sa 2025 budget.