TUGUEGARAO CITY-Kinilala ni Gen. Cirilito Sobejana ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kontribusyon ng 5th Infantry Division Philippine Army sa kampanya laban sa insurhensya sa rehiyon.

Sa isinagawang rewarding ceremony, sinabi ni Gen. Sobejana na marami ang naging accomplishment laban sa insurhensya ang 5ID dahil sa mahuhusay na lider at determinadong personnel.

Ayon kay Gen. Sobejana,pinatunayan ng kasundaluhan ng 5ID ang kanilang husay, galing at tapang upang malinis sa insurhensya ang nasasakupang lugar sa kabila ng pandemayang nararanasan.

Kaugnay nito, umaasa si Sobejana na ipagpapatuloy pa rin ng mga kasundaluhan ang paglinis laban sa insurhensya sa mga nasasakupang lugar para makamit ang kapayapaan at katahimikan ng bansa.

Samantala, iginawad rin ni Gen. Sobejana ang dalawang milyong piso sa hanay ng 86th Infantry battalion.

-- ADVERTISEMENT --

Ito’y dahil sa determinasyon na tapusin ang insurhensiya sa kanilang mga nasasakupang lugar na nagresulta rin ng pagkakamatay ni “alyas Yuni”, ang kumander ng regional operations command at Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG,KRCV).

Namatay si alyas Yuni noong marso 15,2021 kasabay ng nangyaring sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at mga makakaliwang grupo sa barangay San Mariano Sur San Guillermo,Isabela.

Nakita ang bangkay nito noong Marso 17, 2021 sa nasabi ring lugar kung saan iniwan lamang ito ng kanyang mga kasamahan.

Si alyas yuni ay tubong Davao city at kinilalang kadre bilang alyas dondi ng regional head quarters southern mindanao regional komite bago inilipat sa rehiyong dos na bumuo ng Komiteng Larangang Guerrilla Quirino-Nueva Vizcaya (KLG Q-NV).