Inihayag ni dating Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III na huwag siyang kaawaan sa kabila ng biglaang pagtanggal sa kanya sa kanyang posisyon.

Sinabi ni Torre sa kanyang Facebook account na nagpapasalamat siya sa mga naaawa sa kanya, subalit hiling niya na huwag siyang kaawaan dahil maayos naman ang kanyang kalagayan.

Ayon sa kanya, ang dapat na kaawaan ay mga maraming mamamayan na paulit-ulit na na nagiging biktima ng palagiang pagbaha.

Sinabi niya na sila ang higit na nangangailangan ng tulong at kalinga sa panahon ngayon, dahil hindi naman dapat sila ang laging nagdudusa at naghihirap tuwing tag-ulan.

Muling iginiit ni Torre na wala siyang sama ng loob kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, naiintindihan niya na kailangan niyang gumawa ng mahirap na desisyon, at ang pagkakatanggal niya bilang hepe ng PNP ay isa lamang sa mga nasabing desisyon.

Idinagdag pa niya na pulis pa rin naman siya, at magsisilbi siya sa kagustuhan ng Pangulo at ng bansa.