
Mahigit 700 katao ang namatay sa Iran buhat nang magsimula ang giyera noong Sabado, ayon sa US-based Human Rights Activists News Agency (HRANA).
Ayon sa nasabing ahensiya, umaabot na sa 742 na sibilyan ang namatay sa Iran, kabilang ang 176 na mga bata.
Bukod sa mga namagay, umaabot na rin sa mahigit 900 ang nasugatan.
Sinabi ng HRANA, sa nakalipas na magdamag ay umabot sa 85 ang namatay sa patuloy na labanan.
May mga ulat na rin ng pagkasira ng religious buildings at mga bahay sa nakalipas na 24 oras.
Kabilang sa mga ang mosque sa Karaj, isang lungsod sa Tehran, maraming kabahayan, tanggapan ng gobernador sa timog na bahagi ng kabisera, at Shahid Bahonar Pier sa Bandar Abbas sa Strait of Hormuz.
Inihayag naman ng Iran na mag mga nasirang mga ospital.
Idinagdag pa ng HRANA na kabilang din sa napinsala sa nakalipas na 24 oras ang headquarters sa Kurdistan law enforcement command at Kurdistan border guard command center sa kanlurang bahagi ng Sanandaj.










