Kinilala na ni Gerald Santos ang tao na umano’y nanggahasa sa kanya noong siya ay 15 years old.

Sa pagdinig ng Senate panel on public information and mass media, sinabi niya na isang Danny Tan na nanggaghasa sa kanya.

Ikinuwento pa ni Santos na nalagay sa alanganin ang kanyang career, matapos na mawalan siya ng trabaho kahit siya ang biktima.

Tinanong siya ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada kung magsasampa siya ng kaso laban kay Tan.

Sagot ni Santos na pinag-aaralan pa nila ang karapat-dapat na kaso na isasampa laban kay Tan.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, nagpasalamat si Santos sa GMA network dahil sa inaksiyonan ang kanyang reklamo matapos na tanggalin ang kanyang inakusahan.