
Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) ang mga alegasyon ng “ghost deliveries” sa fertilizer subsidy program at tinawag itong walang basehan at “fake news.”
Aminado si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may ilang pagkaantala sa delivery ngunit lahat umano ng transaksyon ay dokumentado.
Hinimok niya ang mga kritiko na makipagtulungan sa DA kung may ebidensya ng iregularidad.
Tatlong suppliers na may natitirang obligasyon ang nangakong makukumpleto ang delivery bago matapos ang Agosto 31.
Paliwanag ni Tiu Laurel, ang iba sa mga delay ay dahil sa bagyo at pagbaha, habang ang iba naman ay “hindi katanggap-tanggap.”
Nasa 90 porsyento na ang naipamahaging fertilizer subsidies ng DA, habang may natitirang delay sa Ilocos, Cagayan Valley, at Central Luzon.