
Umarangkada ang Gilas Pilipinas Boys sa second half upang tambakan ang Thailand, 91-62, at umabante sa qualification playoffs ng 2026 FIBA U18 Asia Cup sa India.
Mula sa 12-point deficit sa unang quarter, bumawi ang Gilas at nagtala ng 31 puntos sa third quarter habang anim na puntos lamang ang naitala ng Thailand. Nagtapos ang Pilipinas sa ikalawang puwesto sa Group A tangan ang 2-1 record.
Nanguna sa Gilas si Luke Atacador na may 16 puntos, habang nagdagdag sina Elias Gish ng 13 at Chog Moral ng 12 puntos.
Babalik sa aksyon ang Gilas Boys sa Huwebes para sa pagkakataong makapasok sa Top 8 ng torneo.






