Nagbukas sa panalo ang Gilas Pilipinas Boys matapos nitong talunin ang Chinese Taipei, 89-88, sa unang laro nito sa FIBA U18 Asia Cup sa India.

Mabilis na umarangkada ang Gilas at umabot sa 27 puntos ang kalamangan bago nakahabol ang Chinese Taipei sa fourth quarter. Nauwi sa dikitang laban matapos makuha ng Chinese Taipei ang 88-87 abante may ilang segundo na lang sa laro.

Gayunman, nagpakitang-gilas si Ethan Aguas na tumira ng game-winning basket para muling ilagay sa unahan ang Pilipinas. Sinubukan pang bumawi ng Chinese Taipei sa huling possession ngunit hindi pumasok ang kanilang tira.

Nanguna si JB Cagurungan sa Gilas na may 21 puntos, habang nagtala si Aguas ng 16 puntos at 10 rebounds. Nagdagdag naman sina Prince Cariño at Bruce Tubongbanua ng tig-10 puntos.

Susunod na makakaharap ng Gilas Pilipinas Boys ang Australia sa Sabado, Agosto 15, sa Group A.

-- ADVERTISEMENT --