Naging maganda ang ginagawang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Ito ay matapos na talunin nila ang Taiwan Mustangs 74-64 na ginanap nitong Lunes sa Philsport Arena sa Pasig City.

Nanguna sa panalo ng Gilas si Dwight Ramos na nagtala ng 19 points, tatlong rebounds habang si Justin Brownlee ay mayroong 12 points, 15-assists at limang rebounds.

Matapos ang limang puntos na kalamangan sa first ay umarangkada na ang Gilas pagpasok ng third quarter.

Magtutungo na ang Gilas Pilipinas sa Europa kung saan unang makakaharap nila ang Turkey sa Hunyo 27 at Poland naman sa June 30 para sa panibagong tune up games.

-- ADVERTISEMENT --

Makakaharap kasi nila ang Latvia at Georgia sa Olympic Qualifier Tournament.