Pumanaw na ang isang ginang mula sa Carcar City, Cebu, matapos ang dalawang linggong pagpapagamot sa ospital dulot ng pananakit ng kanyang manugang.
Nagtamo ang biktima ng matinding pagkasunog sa katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay matapos na buhusan ng gas at silaban siya ng kanyang manugang.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong Enero 5, 2025, nang sunugin ng suspek ang kanyang biyena sa labas ng kanilang bahay.
Nagalit umano ang manugang dahil hindi umuwi ang kanyang asawa, kaya’t hinanap niya ito sa bahay ng kanyang biyenan.
Samantala, ilang araw matapos magawa ang krimen, pumanaw din ang suspek dulot ng impeksyon matapos na lumunok ng basag na hawakan ng toilet cleaner brush.
-- ADVERTISEMENT --