Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang 42-anyos na babae na kabilang sa “most wanted persons list” sa Benguet, matapos ang siyam na taong pagtatago.

Ayon sa pulisya, naaresto ang akusado ay miyembro ng grupo na nagpapanggap na recruitment agency sa Taytay, Rizal.

Noong Nobyembre hanggang Disyembre ng 2016 nang maloko umano niya ang mga aplikante na kaniyang pinangakuan ng trabaho sa New Zealand bilang dairy farm workers, subalit hindi natupad ang kanyang mga pangako.

Nadiskubre din ng pulisya na wala pa silang lisensiya sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Lima ang nagsampa ng reklamo laban sa akusado, kung saan sinabi nila na malakang halaga ang nakuha sa kanilang ng babae.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ang ang babae sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment.

Naipasakamay na ang babae ng Taytay Police sa Criminal Investigation and Detection Group ng Kalinga.