TUGUEGARAO CITY-Nilalamayan na sa Cauayan City,Isabela ang isang ginang na nagpakamatay sa Baggao,Cagayan sa pamamagitan ng pag-inom ng oxalic na inihalo sa tubig.
Sinabi ni Police Master Sgt.Stephen Pataui ng PNP Baggao,batay sa salaysay ng live-in partner ni Gina Melchor na si Rodolfo Salacup,nang umuwi siya ng gabi ng April 13 sa kanilang boarding house sa Brngy.San Jose ay bigla siyang niyakap at nagpaalam.
Dito na nakita ni Salacup na bumubula ang bunganga ng kanyang kinakasama.
Dinala pa sa Baggao District Hospital ang ginang subalit agad na ipinalipat sa Cagayan valley Medical Center sa Tuguegarao City.
Subalit Idineklara ng umasikasong duktor na patay na ang ginang.
Sinabi pa ni Pataui na bago umano ang insidente ay napansin ng lalaki na matamlay ang babae subalit wala naman sinabi na anumang problema.
Ayon pa sa pahayag ng lalaki,nagkwento umano noon ang babae sa kanya na bago sila naghiwalay ng kanyang mister ay nagkaroon sila ng away nang umuwi siya mula sa ibang bansa at dito umano niya sinaksak ang kanyang sarili.