Tinanggal na ng Google Maps ang label na “West Philippine Sea” sa kanilang global mapping platform.

Kapansin-pansin na sa mabilisang paghahanap sa Google app ngayong Miyerkules, wala na ang label sa kanlurang bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas—bagamat nananatili ito bilang pin o marker sa mismong app.

Matatandaang noong Abril 14, naging usap-usapan sa social media ang paglalagay ng label na “West Philippine Sea” sa bahagi ng South China Sea na nasa kanluran ng Pilipinas, na ikinatuwa ng maraming Pilipino.