TUGUEGARAO CITY- Pinakiusapan ni Governor Manuel Mamba ang mga regional director ng mga government agencies sa regional center sa Tuguegarao City na ipatupad muna ang work from home para sa mga kawani na taga-Isabela.

Sinabi ni Mamba na ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat pa ng covid-19 matapos na makapagtala ng 50 kaso ang Isabela sa isang araw lamang kahapon.

Ayon kay Mamba, sumang-ayon naman umano dito ang mga regional directors at dati na rin umano silang nagpapatupad ng work from home.

Sinabi pa ni Mamba na hihigpitan na rin ang pagpasok ng mga taga-Isabela dito sa Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --
ang pahayag ni Mamba

Kaugnay nito, sinabi ni Mamba na maging ang mga taga-Isabela na hindi authorized person outside residence ay hindi papasukin sa lalawigan.

Ayon sa kanya, nakakatakot ang posibleng local transmission ng covid-19.