Nagliyab ang damuhan sa bahagi ng Mt. Kabunian sa Bakun, Benguet noong Maundy Thursday, Abril 2, kaya kinailangan ilikas ang 18 hiker sa lugar.

Ayon sa Bakun Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), 11 turista at dalawang tour guide ang nasa tuktok ng bundok nang magsimula ang sunog, habang pitong turista at isang guide ang na-stranded sa Station 12 sa paanan ng trail.

Agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection, lokal na pulis, opisyal ng barangay, at tour guides. Ligtas nilang nailikas ang pitong stranded hikers papunta sa barangay hall bandang 2:45 ng madaling araw ng Good Friday, Abril 3.

Ang 11 hikers sa tuktok naman ay inilikas sa pamamagitan ng alternatibong ruta papuntang Bulisay, Kayapa, Nueva Vizcaya.