Nanindigan ang kampo ni Gretchen Barretto na paghihinala lang ang basehan ni alyas “Totoy” sa naging mga pahayag nito kaugnay ang missing sabungeros.
Ito ay matapos idawit ng naturang whistleblower si Barretto at si Atong Ang sa pagkawala ng mga sabungero.
Ayon sa legal counsel ng aktres na si Atty. Alma Mallonga, nakabatay lang sa mga alegasyon ang pagkakadamay ng kanyang kliyente.
Giit nito ang mga proposition ay ‘absurd’ at ‘plain invention’.
Aniya, walang kinalaman si Barretto sa pagkawala ng mga sabungero, maging sa operasyon ng electronic sabong.
-- ADVERTISEMENT --