Naniniwala ang kampo ng aktres na si Gretchen Barretto na ang paghahain ng kaso laban sa whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, o “Totoy” ay hindi naman sobrang makatutulong sa kanila.
Sa isang panayam, sinabi ng abogado ni Barretto na si Atty. Alma Mallonga, nakatuon sila ngayon sa pagre-“repair” ng reputasyon ng kanyang kliyente dahil sa pagkakasangkot nito sa kaso ng missing sabungeros.
Dahil dito, apela rin ni Malongga sa lahat na maging mas “discerning” o maunawain.
Sa huli, muling idiniin ng legal counsel ni Barretto na walang basehan si Patidongan sa kanyang naging pahayag, at wala rin itong ebidensya sa kanyang salaysay.
Mababatid na ayon sa whistleblower, alpha member” ng Pitmaster Group si Barretto, at alam nito ang tungkol sa pagkawala ng mga sabungero.