
Pinayuhan ni Atty. Luke Espiritu ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) si Senator Robin Padilla na bumalik na lang sa pag-aartista kaysa makipag-tandem kay Vice President Sara Duterte sa 2028 eleksyon.
Sinabi ni Espiritu na bagama’t may posibilidad ang “Sara-Robin” tandem, mas makabubuti para sa senador at aktor na huwag munang sumabak sa mas komplikadong larangan ng politika.
Aniya, confused si Padilla sa usapin ng politika.
Dagdag pa ni Espiritu, maraming lumulutang na pangalan sa politika ang umaasa lamang sa kasikatan, kaya’t mas makabubuti na hintayin muna ang tamang pagkakataon bago pumasok sa eleksyon.
Binanggit niya na malaking kalamangan ang popularidad ni Padilla bilang artista, subalit hindi ito sapat upang humakbang sa mataas na posisyon sa gobyerno nang walang malinaw na programa para sa mamamayan.






