
Pinaplantsa na ng grupong MANIBELA ang isa na namang malawakang tigil-pasada at kilos-protesta kasunod ng pagtaas na naman ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, sa susunod na linggo, isa na namang round ng oil price hike ang nagbabadya.
Aniya, walang silbi ang mga ipinatupad na pagbaba ng presyo ng petrolyo dahil dinadahan-dahan naman ang pagpapatupad ng oil price hike.
Malaki na naman aniyang dagok sa mga motorista lalo na ang mga tsuper ng jeep ang mataas na presyo ng diesel na aabot sa ₱80 ang kada litro.
Samantala, binabatan din ni Valbuena ang natapos nang programa ng pamahalaan o ang Service Contracting Program matapos mapaulat na ilan sa mga tsuper at operator ng jeep ang hindi la nababayaran.
Kasunod ng pagtatapos ng contracting program, papasok naman ang bagong programa ng Department of Energy (DOE) na pinalawak na ₱10-per-liter Fuel Subsidy Program (FSP).









